Sa taas na 5'9" at timbang na 220 pounds, nasa Obese Class 2 category si Jo. Ang dahilan umano nito ay ang kaniyang unhealthy lifestyle kung saan umaabot sa tatlong cups ang kanin niya sa bawat kain, mahilig sa matatamis na inuman, at chocolates at chips sa snacks.

Pero natauhan daw siya nang makaramdam nang hindi maganda sa kalusugan dahil madali na siyang hingalin. Kasunod nito ay pinagsabihan din siya ng kaniyang ama na mananatili na naturang katawan kung hindi pa babaguhin ang buhay.

Tunghayan sa video na ito ng "Pinoy MD," at alamin ang ginawang pagsisikap ni Jo para maibaba sa hinahangad na timbang ang kaniyang katawan na inabot umano ng tatlong taon. Maging ang kaniyang partner, naingganyong sundan ang kaniyang yapak. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News