Dahil sa kondisyon sa kaniyang pag-iisip, masakit man sa kalooban ng mga anak ay napagdesisyonan nilang ilagay sa tila malaking hawla ang kanilang 74-anyos na ina sa  Baliangao, Misamis.  Sa nakalipas na dalawang taon, sa naturang hawla na umikot ang mundo ni nanay "Nida."

May pagkakataon na nagiging bayolente si nanay "Nida" at nambabato.  Doon na siya naliligo at hinahatiran na lamang ng pagkain. Kapag kalmado naman, maayos naman siyang nakakausap.

Pero dahil sa malayo ang kanilang lugar, hindi pa naipasusuri sa doktor ang kalagayan ni nanay "Nida."  At sa tulong ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" at lokal na pamahalaan, madadala na siya sa doktor.

Alamin sa video na ito ang resulta ng ginawang pagsusuri sa kaniya at ito na kaya ang maging daan upang makalaya siya sa kaniyang hawla? Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos-- FRJ, GMA News