Marami ang humanga kay Victor nang pakasalan niya ang kaniyang nobya na may malubhang karamdaman. At sa araw nga ng kanilang kasal sa simbahan, binawian ng buhay ang babae. Pero sa darating na panahon, handa pa kayang umibig muli si Victor?

Ngayon, patuloy na nagpapakatatag si Victor sa gitna nang kalungkutan na nadarama dahil sa pagkawala ng kaniyang minamahal na si Marjorie.

Bukod sa ipina-tattoo niya sa dibdib ang larawan ng kaniyang asawa, naka-tattoo rin sa likod ni Victor ang araw ng kanilang kasal.

Sa kanilang bahay, nakalagay sa upuan ang larawan ni Marjorie na malapit sa kama ni Victor. Hinahalikan daw niya ang larawan bago siya matulog, at pagkagising ay si Marjorie ang una niyang makikita.

Pero nakikita kaya ni Victor na dumating ang panahon na muli siyang magmamahal ng ibang babae? Panoorin ang kaniyang sagot sa video na ito ng "Front Row."


Kasabay nito, balikan din ang kuwento ng wagas na pagmamahalan nina Victor at Marjorie, at papaano nga ba nagsimula ang lahat.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News