Martir na misis na maituturing ang OFW na si MJ dahil pilit niyang inunawa noon ang pangangaliwa ng kaniyang mister, na nabuntis pa ang babaeng kinalokohan. Pero ang hindi inasahan ng ginang, pinatira ng lalaki sa kanilang bahay ang babae nang magtrabaho na siya sa ibang bansa.

Sa programang "Sumbungan ng Bayan," ikinuwento ni MJ na nasa Pilipinas pa lang siya nang malaman niya ang pagtataksil ng kaniyang mister. Ngunit dahil nais niyang isalba ang kanilang pagiging mag-asawa para na rin sa kanilang mga anak, pilit niyang inunawa ang mister, na nagsabing sila pa rin naman ang pipiliin.

Katunayan, inalagaan pa ni MJ ang anak ng babae ng kaniyang mister.

Pero nang malaman niyang hindi nagbago ang kaniyang asawa, naisipan niyang magtrabaho sa ibang bansa upang maibaling sa ibang gawain ang atensiyon. Ngunit lumama pa ang sitwasyon dahil nalaman niyang ibinabahay na ng kaniyang mister ang babae nito sa mismong tahanan na kanilang ipinundar.

Alamin sa video na ito ang payo ni Atty. Pen Cascolan tungkol sa legal na hakbang na maaaring gawin ni MJ sa kaniyang mister. Ayon sa abogado, maaari nang ipaaresto ni MJ sa pulis ang kaniyang mister agad-agad sa pamamagitan ng warrantless arrest kahit hindi na siya nagsasampa ng kaso. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News