Sa isang maling hakbang, maaaring buhay ang maging kapalit sa pagtawid sa ilog sa pamamagitan ng isang nasirang tulay na ginawan ng paraan ng mga residente upang patuloy na magamit. Kabilang ang guro na si Maribel sa madalas na dumaan dito para makarating sa paaralan at makapagturo sa mga bata.

Kuwento niya, nasira ang tulay nang malasa ang isang malakas na bagyo. Upang magkaroon pa rin ng magagamit ang mga residente kapag mataas ang rumaragasang tubig sa ilog, ginawan ito ng paraan tulad ng paglalagay ng kawayan bilang tungtungan at ang kable ang kanilang kinakapitan.

Sa taas na 18 talampakan, tiyak na malaking peligro kapag bumagsak sa rumaragasang tubig o kung hindi man, sa mga batuhan.

Sa kabila ng panganib na ito, walang plano si Maribel na tumibigil sa pagtuturo dahil ito ang sinumpaan niyang propesyon. Ang tanging hiling niya, sana ay matulungan silang maipaayos ang tulay. Panoorin ang kanilang buhay sa video na ito ng "Front Row."

Samantala, bukod sa mga pagsubok sa kaniyang propesyon, may mga pagsubok din sa buhay na hinaharap si Titser Maribel. Alamin kung ano ang mga ito.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News