Kamakailan lang ay isinailalim ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Metro Manila sa community quarantine at kinalaunan ay pinalawig pa sa buong Luzon dahil sa patuloy na pagtaas ng mga nagkakaroon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Ano nga ba ang mga dapat at hindi dapat gawin habang umiiral ang quarantine, na "lockdown" ang tingin ng iba?

Sa "Fact or Fake" ni Joseph Morong na binalikan ng programang "Brigada," sinabing unang prayoridad na manatili sa mga sariling tahanan ang mga tao dahil umiiral din sa Luzon ang curfew.

Dapat din tandaan ang laging paghuhugas ng kamay na may sabon at ang self-quarantine upang hindi mahawahan ng virus lalo pa't maging ang ilang opisyal ng bansa ay hindi nakaligtas COVID-19 tulad ni Senador Juan Miguel Zubiri.

Pairalin din ang "social distancing," o ang isa hanggang dalawang metrong distansiya sa katabi para makalayo sa virus kung infected ang katabi.

Panoorin ang buong pagtalakay sa naturang paksa sa video na ito.-- Jamil Santos/FRJ, GMA News