Habang pinapanatili ng gobyerno ang lahat na manatili muna sa kani-kanilang bahay para hindi na kumalat ang COVID-19, kailangan namang pumasok pa rin sa trabaho at gampanan ang kanilang tungkulin ng mga "frontliner," tulad ng mga health worker-- na kinabibilangan ng mga duktor, nurse' at maging ang mga utility personnel ng mga ospital.

Tunghayan sa video na ito ang "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang peligrong kinakaharap ng mga health workers at hospital staffs, na itinataya ang sarili nilang kaligtasan upang matulungan ang mga taong hinihinalaang tinamaan ng virus, at ang mga positibong kaso na ng COVID-19.

Ang video na ito ay isang paraan ng pagpupugay sa kabayanihan ng mga frontliner na kahit kulang sa gamit at pagod ay hindi susuko sa napakahirap nating sitwasyon ngayon. Panoorin ang video.

 

--FRJ, GMA News