Ipinapayo ng Food Safety and Hygiene Academy of the Philippines na mabuting mag-disinfect ng mga binibili lalo na ngayon para makaiwas sa COVID-19.

Sa ulat ni Athena Imperial sa GMA News "24 Oras" nitong Lunes, sinabing ang droplet o talsik ng laway mula sa pagbahing o pag-ubo ng isang infected ng COVID-19 ang isang paraan para kumalat ang virus.

At batay pa rin sa pag-aaral ng New England Journal of Medicine, ang pahawak sa mga bagay ng isang COVID-19 infected ang isa pang paraan para maipasa sa tao ang virus.

Lumilitaw umano na maaaring tumagal ng hanggang tatlong oras ang virus sa "aerosol" o hangin tulad sa ospital. Apat na oras naman sa copper, hanggang 24 oras sa karton o cardboard, at dalawa hanggang tatlong araw sa mga plastic at stainless steel tulad ng mga hawakan sa cart ng mga grocery.

Kaya naman mahalaga na laging maghugay ng kamay o magdala ng alcohol sa tuwing namimili. Kailangan din na i-disinfect ang mga pinamili pagdating sa bahay.

Kung papaano ito dapat gawin, panoorin ang kabuuan ng report sa video sa itaas.--FRJ, GMA News