Sa programang "Stand For Truth," sinilip ang proseso sa pag-aasikaso ng isang crematorium sa Quezon City sa mga bangkay ng mga Persons Under Investigation (PUIs) o pinaghihinalaang mayroong COVID-19.

Ayon kay Paulo Hipolito, supervisor ng Baesa crematorium, apat hanggang limang  bangkay na nake-cremate nila sa isang araw. Kadalasan, mga PUI ang kanilang pinoproseso o mga pasyenteng pumanaw na pero hindi na inaabot ang resulta ng test kung positibo nga ba sila sa nasabing virus. Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News