Isa sa mga dahilan ng "stress" ang kawalan ng sapat na tulog. At dahil na rin sa krisis na dulot ng COVID-19, hindi maiiwasan na lumalala pa ito dahil sa dami ng iniisip. Ano nga ba ang mga paraan upang makakuha ng inaasam na quality sleep?

Sa programang "Unang Hirit" nitong Huwebes, kinumpirma ng health and wellness advocate na si Dr. Rhodora Jayme, na mas lapitin sa sakit ang mga tao na kulang sa tulog.

"If kulang ka ng tulog, your immune system will really bog down. Maraming study with regards to kulang ang sleep and how it is related to our immune system," saad niya.

Kaya nagbigay siya ng ilang rekomendasyon para makamit ang inaasam na mahimbing na tulog.

1. Mag-ehersisyo kahit sa loob lang ng 30 minuto.

“Kahit if you are tired, you have to make sure you have to move your body. Mag-exercise ka, kahit 30 minutes,” ani Dr. Jayme.

2. Alisin ang gadgets sa kuwarto kapag matutulog na.

3. Gumamit ng relaxing scents

“You can use your liniment. Mga pang-haplos, pang-massage. Basta it contains ’yung mga lavender, ’yung mga relaxation and calming effect of the scent. It will really help you go to sleep,” dagdag niya. –-Jamil Santos/FRJ, GMA News