Mula nang ipatupad ang community quarantine noong Marso, ngayon lang nagkaroon ng lakas ng loob ang gym owner na si Micoy na puntahan ang nagsara niyang negosyo.

Saad niya, lagi niyang nadadaanan ang kaniyang gym pero hindi niya magawang puntahan ang tingnan ang loob. At nang kaniyang gawin, hindi niya napigilang maluha dahil ang negosyo na kaniyang pinaghirapan sa mahabang panahon para maipundar at bumagsak sa loob lang ng ilang buwan.

Dahil sarado ang gym, nagtrabaho si Micoy bilang tagahatid ng mga pagkain upang kumita at matustusan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.

Ngunit ang malaking tanong ngayon, magawa pa kaya ni Micoy na maipagpatuloy ang nagsara niyang negosyo gayung wala pa ring bakunang panlaban sa COVID-19? Panoorin.
 

--FRJ, GMA News