Sa "Pinoy MD," sinagot ni Dr. Oyie Balburias ang iba't ibang katanungan sa kalusugan, tulad ng kung maaari bang magpabakuna kontra COVID-19 ang isang tao na may hyperthyroidism.

Ayon kay Dr. Oyie, kailangang kontrolin muna ang toxic state ng hyperthyroidism ng isang tao na meron nito bago siya magpabakuna.

Ito ay dahil nakababahala ang mga sintomas ng isang tao na mayroong toxic goiter.

Ngunit kung kontrolado naman ang hyperthyroidism at may clearance galing sa doktor, maaari namang magpabakuna.

Samantala, ipinaliwanag din ni Dr. Oyie na maaari makaimpluwensiya ang pagkain ng karne sa isang may diabetes.

Sinabi ni Dr. Oyie na ang karne ay magandang source ng protina, na nagiging amino acid na siyang nakaiimpluwensiya sa insulin sensitivity.

"Kung meron tayong problema kasi sa insulin sensitivity, isa ito sa talagang dahilan kung bakit tayo magkakaroon ng diabetes pagtagal-tagal," anang doktor.

Tunghayan sa video ng "Pinoy MD" ang buong talakayan.

--FRJ, GMA News