Kakaibang obra ang ginagawa ng isang barbero sa Barangay Tinago, Inopacan, Leyte.

Viral sa social media ang mga obra ni Sandy Macadine na gawa lang naman sa mga ginupit na buhok ng kaniyang mga customer.

Bigla lang daw naisip ni Macadine na gawin ang kaniyang "hair art" habang naglilinis sa barber shop.

Limang taong gulang pa lang daw siya ay nakitaan na siya ng kaniyang mga magulang ng talento sa sining.

Noong June 29 lang nagsimula si Macadine sa mga obra niya at ngayon ay masaya niyang pinagsasabay ang dalawa niyang hilig gawin—ang paggupit at pagguhit. —Maia Tria/LBG, GMA News