Nakipagkuwentuhan kay Jessica Soho ang paranormal investigator na si Ed Caluag at dito ay nanindigan siya na may kakaibang "nilalang" na nasa likod ng pambabato sa ilang kabahayan sa isang barangay sa Cabanatuan. Ito ay kahit pa nakunan sa camera na isang binatilyo ang may pakana ng pambabato.

WATCH: Tao ba o kakaibang nilalang ang nambabato sa mga bahay sa isang barangay sa Cabanatuan?

Sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," kilalanin pa lalo si Ed tungkol sa trabaho bilang isang paranormal investigator, at ano ang kanilang mga ginagamit sa pagsisiyasat.

May mensahe rin siya sa mga taong nagtataglay ng "extraordinary gift" na tulad niya, at pati na rin sa mga taong nagdududa sa kaniya. Panoorin. 


 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News