May bagong napalingon si Ken Chan sa kaniyang pakulo sa social media na, "kapag lumingon ka, kay Boyet ka."

Sa pagkakataong ito, si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach naman ang "napalingon" ni Boyet, ang may pagka-isip-bata na karakter na ginagampanan ni Ken sa seryeng "My Special Tatay."

WATCH: Jak Roberto, nahawa na ng 'Boyet' fever

Sa video na ini-upload ni Ken sa kaniyang Facebook account, makikita si Ken na nag-ala-Boyet habang hawak ang camera at katabi si Pia.

Nang banggitin ni "Boyet" ang katagang, "kapag lumingon ka, kay Boyet ka," lumingon naman si Pia at napatawa at umakbay kay Ken.

Kasama sina Ken at Pia sa mga bagong binigyan ng "star" sa Eastwood City Walk of Fame. -- FRJ, GMA News