Kinaaliwan ng netizens sina Maria Letizia Dantes at Scarlet Snow Belo sa ipinakita nilang pagrampa na mala-Miss Universe 2018 Catriona Gray sa magkahiwalay na video na naka-upload sa Instragram.

Mula nang maiuwi ni Catriona ang korona bilang Miss Universe, ilang celebrity na ang gumaya sa kaniyang pagrampa na kinatampukan ng tinatawag na "lava walk."

READ: Solenn Heussaff, Shamcey Supsup join Catriona's ‘lava walk’ craze

Sa IG account na "dyzsuperfan," makikita ang anak nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na si Zia na masayang rumarampa habang suot ang costume.

 

 

Sa IG account naman ni Dra. Vicky Belo, binati niya si Catriona sa pagkapanalo nito sa Miss Universe at pagkatapos ay ipinakita ang anak nila ni Dr. Hayden Kho na si Scarlet Snow na game na game na rumampa.

 

 

--FRJ, GMA News