Kuwento ni mommy Normita Magnayon-Gray, thirteen years old pa lang ang anak niyang Catriona ay napanaginipan niya ito na nanalo sa Miss Universe suot ang pulang gown. Ang naturang panaginip, nagkatotoo.

Matapos na makuha ni Gloria Diaz ang korona bilang Miss Universe noong 1969, muli itong nakamit ng bansa noong 1973 ni Margie Moran. At makalipas nito, inabot na ng 42 na taon bago muling naipatong sa ulo ng Pinay ang korona sa katauhan ni Pia Wurtzbach noong 2015.  Makaraan lang ng tatlong taon, naiuwi muli ng pambato ng Pilipinas ang titulo— ngayon ni Catriona.

Paano nga ba pinaghandaan ni Catriona ang naturang kompetisyon? Alamin sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News