Atletang sira-sira ang sapatos, namayagpag pa rin sa karera at nanalo ng gintong medalya
ABRIL 23, 2024, 11:08 PM GMT+0800
Hindi naging sagabal ang sira-sirang sapatos ng isang 17-anyos na lalaking school athlete sa larangan ng track and field para habulin ang kaniyang mga pangarap, kabilang na ang makapag-uwi ng gintong medalya. Ang bunga ng kaniyang pagtitiis, unti-unti na niyang nakakamit.