Sa mga kalahok na gay beauty queen sa "Wowowin," si Tyra ang mapalad na nakatagpo ng lalaking kaagapay niya sa buhay. Kaya naman natanong ni Kuya Wil ang iba pang kalahok kung may buhay-pag-ibig din sila, at ang isa sa kanila na si Rafa, baka nasa studio lang ang lalaking pinapangarap. Panoorin.

Pero wala mang love life si Rafa, sapat naman daw na sa kaniya ang makatulong sa araw-araw pangangailangan ng kaniyang pamilya bilang Breadwinner sa kanila.

Video courtesy of GMANetwork.com-Entertainment

--FRJ, GMA News