Marami ang naantig ang puso nang mag-viral sa social media ang larawan ng isang ama habang nagtitinda ng babana cake na P120 ang bawat isa para makalikom ng pampaopera sa kaniyang walong-buwang-gulang na anak na si Aki, na nangangailangan ng liver transplant. Pero ang halaga ng operasyon, P1.6 milyon.

Tunghayan sa episode na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ni mang Antonio at kaniyang maybahay na gagawin ang lahat at hindi basta isusuko ang buhay ang kanilang anak na mayroong Biliary Atresia.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News