Dapat daw na isipin na ang pagbabawas ng timbang ay hindi lang para maging mukhang maganda at maging beach-ready-body. Kailangan din ito para mapangalagaan ang kalusugan upang maalagaan ang pamilya.

Ito umano ang naging motibasyon ng 44-anyos na si mommy Ana, na mula sa pagiging dating obese, nagbawas ng timbang matapos na malaman na nagkakaroon na siya ng mga karamdaman.

Alamin kung papaano niya nagawang magpapayat sa pamamagitan ng ehersisyo at tamang pagkain sa video na ito ng "Pinoy MD."

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News