Mula sa pagiging binatilyo, nabuo ang samahan nina Dominique, Kenneth, Joe-marie, Angelo at Leonard, at nahilig sila sa paglalaro ng basketball. Pero sa paglipas ng panahon, habang nagbibinata ang tropa, ang isa sa kanila, "nagdalaga" at nahulog pa ang loob sa kaniyang kaibigan.

Pero nang magkolehiyo na ang tropa, naging madalang na ang kanilang pagkikita-kita dahil nagkaiba-iba na sila ng pinasukang paaralan. Gayunman, hindi pa rin nawala ang kanilang ugnayan. At sa isa nilang pagsama-sama, naisipan nilang muling mag-group picture na nagpabalik sa kanilang alaala noong mga binatilyo pa sila.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ng limang magkakaibigan na maaaring magbigay ng inspirasyon tungkol sa samahang walang iwanan kahit pa lumipas ang panahon. Panoorin.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News