Isa sa mga "Starstruck" girls ang hinangaan ni Joyce Pring at mga kapwa niya artista dreamers dahil nagtitiis siya sa kaniyang sira-sirang cellphone dahil inuuna niyang ibigay sa kaniyang ina ang perang natatanggap niya kaysa bumili ng bagong cellphone.

Paliwanag ng naturang "Starstruck" girl, makapaghihintay naman daw ang bagong cellphone kaya tiis-tiis muna siya sa kaniyang cellphone ngayon na walang volume, 'di nalalagyan ng load, at kung anu-ano pang problema basta masabi lang na may cellphone siya.

Sino ang mabait at matiising "Starstruck" girl na ito? Panoorin.


Click here for more 'Starstruck' videos:

--FRJ, GMA News