Umiyak at halos humagulgol si "Hipon Girl" Herlene nang ihayag na labis na niyang nami-miss ang kanilang lolo't lola na nagpalaki sa kaniya. Dahil sa pagiging busy sa trabaho, napag-alaman na ilang araw na niyang hindi napupuntahan ang kaniyang lolo't lola na nagpalaki sa kaniya.

Kasabay nito, ikinuwento ni Kuya Wil kung papaano tinipid ni Herlene ang sarili nang bumiyahe sila sa Singapore para makabili ng mga pasalubong sa kaniyang mga mahal sa buhay. Pati ang mga libreng pagkain tulad ng chocolate, kinuha niya para may maidagdag sa kaniyang pasalubong.

Inamin naman ni Herlene na tinipid din niya ang paggastos sa ibinigay na pera sa kaniya ni Kuya Wil para makapag-ipon para may maibibigay siyang tulong sa kaniyang lolo't lola.

Panoorin ang malungkot at nakatatawang mga rebelasyon tungkol kay Herlene na magpapakita na isa siyang tunay na tao, na walang anumang pagkukunwari kaya hinahangaan ni Kuya Wil.


Click here for more Wowowin videos:

--FRJ, GMA News