Dahil sa kahirapan at karamdaman, hindi nakapag-aral noon si Nanay Monaliza. Pero hindi pa huli ang lahat para sa kaniya dahil bumalik siya sa pag-aaral bilang grade 1 pupil kasama at kaklase pa ang kaniyang anak.

Tunghayan ang kuwento ng buhay ni Nanay Monaliza at alamin kung papaano siya inaalalan ng kaniyang anak at guro para unti-unti siyang matuto na makabasa, makasulat at makapagbilang. Panoorin ang nakaaantig sa videong ito ng "Reel Time."

Alamin din kung ano ang pinagkakaabalahan ni Nanay Monaliza kapag wala siya sa paaralan kung saan tumutulong naman siya kaniyang asawa sa paghahanap-buhay.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News