Hindi lang isa kung hindi dalawang role ang gagampanan ng mga "Starstruck" survivor para sa kanilang bida-kontrabida artista test para ngayong weekend.

Makakasama nila sa eksena ang batikang aktres na si Carmina Villaroel, at idederek ni Mark Sicat Dela Cruz. Isa sa "Starstruck" boys ang nakitaan ni direk Mark ng potensiyal sa pag-arte at excited daw siyang makatrabaho ito sa teleserye.

Alamin sa video na ito kung sino ang "Starstruck" boy na sinabihan ni direk Mark na napakahusay, may focus, malalim at marami ang mapupuntahan. Panoorin.



Click here for more Starstruck videos:


--FRJ, GMA News