Noong World War II, sa kasagsagan ng pananakop ng Japan sa Pilipinas, isang babae na may sakit na ketong ang hindi inaasahang magiging isang mahusay na espiya-- si Josefina "Joey" Guerrero, ang binansagang "Leper Spy."

Dahil sa mahahalagang impormasyon na kaniyang nakukuha, maraming buhay ng mga sundalong Pinoy at Amerikano ang nailigtas. Pero sa kabila ng kaniyang mga nagawa, tila hindi naging sapat ang isinukli sa kaniyang kabayanihan.

Ang kaniya ngang pangalan, wala umano sa listahan ng Philippine Veterans Affairs Office. Pero isang dayuhang mamamahayag ang gumawa ng libro para ipaalaman sa mga tao ang mga nagawa ni Guerrero.

Alamin sa video na ito ng "Brigada" kung papaano nagamit ni Guerrero ang kaniyang sakit para makatulong sa pagpapalaya sa Pilipinas sa kamay ng mga Hapones. At ano ang nangyari sa kaniya matapos ang digmaan. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News