Laking gulat ng isang mag-asawa sa Zamboanga del Norte nang makitang pinamahayan ng libu-libong ibon na balinsasayaw ang kanilang bahay matapos nila itong hindi tirhan ng ilang taon. Totoo nga bang may hatid na suwerte ang mga ganitong uri ng ibon?

Sa simula, naghanap ng paraan ang mag-asawang Doris at Eduardo kung papaano mapapaalis ang mga ibon sa kanilang bahay na ginawa na ring pugad at umiipot sa kanilang sahig. Pero dahil nagkakasakit daw ang isa sa kanilang tuwing ginagambala nila ang paninirahan ng mga ibon, nagpasya na lang ang mag-asawa na sila ang mag-adjust at payagang nang maging "boarder" nila ang mga ibon.

Mapagkakitaan naman kaya nila ang mga pugad ng mga ibon na ubod nang mahal ang presyo dahil ginagawang "nido soup?"  Panoorin ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News