Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang pagkanta ng isang batang babaeng taga-San Antonio, Quezon tungkol sa sabong, na madalas niyang naririnig sa kanilang kapitbahay.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, ikinuwento ni Jaira Mendoza Escueta, uploader ng video at pinsan ng batang si Briela Ramos, na mahilig talagang kumanta at mag-video ng sarili si Briela.

Sa video, inawit ni Briela ang paborito niyang "Manok na Pula," na parody ng Anne Murray classic na "Just Another Woman in Love."

Mayroon nang mahigit isang milyong views sa Facebook ang video ni Briela. — Jamil Santos/MDM, GMA News