Para sa mapahaba ang buhay ng kaniyang maybahay na may stage 3 breast cancer, tinitiyaga ni Mang Oscar na maagang lumuluwas mula sa Pampanga patungong Quezon City upang pumila at makasama sa daang-daang katao na humihingi ng tulong sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Sa mga katulad ni Mang Oscar na nasagad na ang naipon sa pagpapagamot ng mahal sa buhay na may malubhang karamdaman, tanging sa PCSO na lang sila sumasandal at umaasa ng tulong.

Panoorin ang ginawang pagtutok ng "Bawal Ang Pasaway" tungkol sa pinagdadaanang pagsubok sa buhay ng mag-asawa, gayundin ang sistema ng paghingi ng tulong at kahalagahan ng PCSO para sa mga nagigipit nating mga kababayan.



Click here for more GMA Public Affairs videos:

--Jamil Santos/FRJ, GMA News