Takot sa liwanag at kung minsan ay ilag sa mga tao. Ganito ang sitwasyon ng 41-taong gulang na babae sa bayan ng Sugpon, Ilocos Sur, na nagsimula raw takasan ng katinuan mula nang isilang ang kaniyang bunso.

At para na rin sa kaniyang proteksyon, napilitan ang kaniyang mister na magsasaka na ikulong siya sa gitna ng palayan masakit man sa kanilang kalooban.

Tunghayan sa video na ito ng programang "Reporter's Notebook" ang kuwento ng ginang na itinago sa pangalang "Rona," na sa kabila ng kondisyon ng kaniyang pag-iisip ay hangad daw niyang gumaling at pasasalamatan niya ang mga taong tutulong sa kaniya.


Makalipas ang mahabang panahon mula nang huli siyang masuri, muli siyang mabibisita ng isang doktor upang alamin ang kaniyang kalagayan. May pag-asa pa kaya siyang gumaling? Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News