Walang altar na paglalagyan ng rebulto ng mga santo ang bahay ng 65-anyos na si Nanay Erlinda, bagkus, bigla na lang daw naglitawan sa pader ang iba't ibang imahe ni Hesukristo.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, ibinahagi ni Nanay Erlinda ng Palayan City, Nueva Ecija, na noon pa man ay malalim na ang pananapalataya niya sa Diyos.

Pero hanggang sa isang araw, sinubok daw ang kanyang paniniwala nang mag-agaw buhay siya dahil sa isang matinding karamdaman. Himala raw siyang gumaling nang sinunod niya ang bilin ng kaniyang kaibigan na mag-ayuno. 

Hiniling din niya sa panalangin na magkaroon siya ng tahanan na magiging dalanginan niya, at natupad naman sa ipinagawa niyang bahay. Pero hindi na niya napapinturahan ang mga dingding nito at doon na nga naglabasan sa sementadong pader ang mga imahen umano ni Hesukristo. 

Ano naman kaya masasabi ng isang physics educator sa naturang mga imahen? Panoorin ang paliwanag sa video na ito.


Click here for more GMA Public Affairs videos:


--FRJ, GMA News