Hindi lang ang mga tao na bigla na lang susulpot at aarteng nasaktan ang gumagawa ng "Bangga Modus" para makahingi ng pera sa bibiktimahin nilang motorista.

Sa video na ito ng "Alisto," ipinakita na maging ang ilang rider ay pinaniniwalaang gumagamit din ng naturang modus pero hindi lang sila makaporma dahil may dashcam ang kanilang biniktima.

Alamin ang mga puwedeng ikaso sa mga sangkot sa kanilang masamang gawain na nais manakot, manghingi ng pera at mam-bully ng mga motorista. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News