Sinasabing walang makapapantay sa pagmamahal ng isang ina sa kaniyang anak. Pinatunayan naman ito ni Aling Vic-vic, na kahit hindi nakalalakad ay araw-araw na inihahatid sa paaralan at sinusundo ang nag-iisang anak na si Ar-ar para matiyak ang kaniyang kaligtasan.
Tunghayan ang nakaantig at kahangang-hangang pagsasakripisyo ni Vic-vic, na hindi naging sagabal ang kaniyang kapansanan sa paa upang gampanan ang kaniyang tungkulin bilang ina kay Ar-ar.
Samantalang si Ar-ar, sa murng edad niyang lima ay batid na ang paghihirap sa kaniya ng ina kaya nais niya itong suklian sa maliit na paraan. Panoorin ang gawing inspirasyon ang kuwento ng mag-ina sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News