Wala pa ring linaw ang kaso ng pagkawala ng pitong kabataan sa Pasay City na pinaniniwalaang dinukot at isinakay sa puting van. Sa harap ng isinasagawang imbestigasyon ng pulisya, may naglalabasan umanong "fake news" sa social media tungkol sa usapin.

Tunghayan sa ulat na ito ng "Stand For Truth" ang panawagan ng pulisya sa publiko na huwag mag-post at huwag nang i-share ang mga fake news dahil hindi umano ito nakatutulong sa kanilang isinasagawang imbestigasyon.

Alamin din ang detalye tungkol sa sinasabing plate number na nakita sa van na sinasabing ginamit kung saan isinakay ang isa sa mga kabataang nawawala. Panoorin.

Habang patuloy na hindi nakikita ang mga nawawalang kabataan, patuloy din ang paghihirap ng kalooban ng kanilang mga mahal sa buhay na patuloy na naghahanap sa kanila at umaasang ligtas silang makababalik.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News