PARIS — Lumitaw umano sa isinagawang pag-aaral na mas matagal maging menopause [o pagtigil ng buwanang dalaw] ang mga babaeng aktibo sa sex, kumpara sa mga babaeng hindi masyadong aktibo.

Sa ulat ng Agence France-Presse, sinabing 28 porsiyento na mas naantala ang pagiging menopause ng mga babaeng nakikipagtalik ng kahit isang beses sa isang linggo, kumpara sa mga babae na nakikipagtalik ng isang beses sa isang buwan, batay sa journal ng Royal Society Open Science.

Ang pagkakaiba ay pinaniniwalaang dulot ng pagtugon ng katawan sa "evolutionary pressures."

"If a woman is having little or infrequent sex when approaching midlife, then the body will not be receiving the physical cues of a possible pregnancy," sabi nina Megan Arnot at Ruth Mace, scientists sa University College London.

Sa halip na magpatuloy sa pag-ovulate, pinaniniwalaan na, "It would be better—from a fitness-maximizing perspective—for the woman to cease fertility and invest energy into any existing kin she has."

Ginawa ang pag-aaral dahil napansin na mas maagang nagiging menopause ang mga babaeng walang asawa o nakipaghiwalay sa kanilang asawa, kumpara sa mga babaeng may asawa.

Nasa 3,000 babae umano sa Amerika na nasa avarage age na 46 ang naging bahagi ng pag-aaral na tinawag na "SWAN" at sinimulan noong 1996-1997.

Halos kalahati umano sa mga ito ang "peri-menopausal," at ang ilan naman ay kinakitaan ng minor symptoms. Pagkaraan ng 10 taon, 45 porsiyento ng mga babae ay nakaranas ng "natural menopause" sa average age na 52.

Dahil mga babaeng may asawa o karelasyong lalaki ang isinailalim sa pag-aaral, hindi batid kung magiging pareho ang epekto sa same-sex activity.-- AFP/FRJ, GMA News