Ayon sa Highway Patrol Group, umabot sa mahigit 1,000 aksidente ang kinasangkutan ng mga tricycle nitong nakaraang taon.  At isa sa mga dahilan kung bakit nasasangkot umano ang mga tricycle sa aksidente ay dahil sa pagiging overloaded nito.

Batay sa batas, apat lang dapat ang sakay ng tricycle--ang rider, ang backride, at dalawang sakay sa sidecar. Pero madalas na umaabot sa lima hanggang anim ang sakay ng mga tricycle kaya nagiging overloaded ang sasakyan.

Tunghayan sa video na ito ng "Alisto" ang isinagawang demo kung paano nakaaapekto ang bilang ng pasahero sa takbo at pagtigil ng tricycle.

Sa naturang demo, dalawang tricycle [isang overload at isang hindi] ang sabay na tatakbo sa magkatulad na bilis, at sabay titigil sa isang lugar. Alamin ang resulta ng demo at ang iba pang tips para makapag-ingat ang driver sa pagmamaneho. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:
 

--FRJ, GMA News