Kasama ang ilang sundalo, nagbigay ng tulong sa mga nasalanta ng pagputok ng Taal volcano sa Batangas ang mga Kapuso actor na sina Dingdong Dantes  at Rocco Nacino.

Sa video na ini-upload sa Facebook account, makikita si Dingdong na nakauniporme ng sundalo habang namamahagi ng relief goods sa Balayan, Batangas.

May larawan din si Dingdong na kasama si Rocco, at kapwa nakauniporma sila ng militar kung saan sila reservist.


Magkasama sina Dingdong at Rocco sa inaabangang Kapuso series na "The Descendants of the Sun."

Bago nito, nag-post sa kaniyang social media account si Dingdong ng panawagan sa kaniyang followers kung sino ang mga nais magbigay ng tulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

 

Pagkatapos nito, nag-post naman si Dingdong ng larawan ng mga ipamimigay na tulong at nagpasalamat sa mga tumugon sa kaniyang panawagan.


Kamakailan lang, nakita rin ang Kapuso actor na si Derek Ramsay na namahagi ng relief goods sa Lipa City para sa mga nasalanta ng Taal volcano (READ: Derek, personal na naghatid ng tulong sa mga naapektuhan ng pagputok ng Taal volcano)

Maging ang mga beterinaryong host ng GMA show na "Born To Be Wild" ay kumilos rin para naman sagipin at gamutin ang mga hayop na naapektuhan ng kalamidad.

READ: Doc Ferds ng 'Born to be Wild,' ginamot ang kabayong nasugatan sa pagputok ng Taal Volcano

READ: Doc. Nielsen ng 'Born to be Wild,' tumulong sa rescue ops ng mga hayop sa Batangas


--FRJ, GMA News