Sa digital program na #RealTalk, inilahad ng songwriter at lead vocalist na si Ely Buendia ang kaniyang saloobin na maging bahagi ng isa sa mga pinakasikat na banda sa bansa — ang Eraserheads.

"There were years when I didn't like being in the band. There are times even now I wish I wasn't or we weren't that well known or that successful," sabi ni Ely.

"But there are also times, yeah, I'm thankful or I got to play in that band," dagdag niya.

Binalikan din ni Ely ang ilang pagkakataon na hindi nagustuhan ng audience ang kanilang mga kanta, tulad ng kanilang unang out-of-town trip sa Cebu.

Dahil sa kanilang karanasan, nabuo ng banda ang Combo On The Run.

"That song was all about that first trip to Cebu and you'll hear a lot of inside jokes there. The crowd was booing us when we played our songs because they're not into college garage," ani Ely.

Panoorin ang pagkuwento ni Ely kung paano nila binubuo ang kanilang mga kanta kahit bumibiyahe, at ano ang payo niya sa mga bagong mang-aawit. --Jamil Santos/FRJ, GMA News