Labis-labis ang pasasalamat ng isang mag-anak kay Mang Elmer na kanilang naging guide nang umakyat sila sa bulkan ng Taal. Nasa tuktok na sila ng bulkan at pababa na sana sa lawa sa loob ng bunganga nito nang pabalikin sila ng kanilang guide para umalis na sa isla dahil napansin niyang kakaiba na ang ipinakikita ng bulkan.

Tunghayan ang video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung saan ibinahagi nina
Denise at Michella ang nakakakabang bakasyon nila sa Taal na kung hindi dahil sa alisto nilang guide nilang si Mang Elmer ay maaaring naging mitsa ng kanilang buhay.

Dahil kasama si Mang Elmer sa libu-libong nawalan ng kabuhayan dahil sa pag-alburoto ng Taal, muling pinuntahan ni Denise ang kanilang guide para muling magpasalamat at magkaloob ng kaunting tulong. Panoorin.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News