Ipinakita ng isang kuya ang pagmamahal niya sa kaniyang bunsong kapatid matapos niya itong pagtahian ng isang magarbong ballgown para sa dadaluhan nitong junior-senior prom sa Zamboanga City.

Sa ulat ng Unang Balita ng GMA News nitong Martes, sinabing si Maverick Oyao na ang naging fashion designer ng kaniyang kapatid dahil mahal ang renta ng ballgown.

 

With touch of love ang pagdisenyo at pagtahi ng kuya, dahil gusto niyang pagbigyan ang kapatid dahil huling taon na nito sa junior high.

Hindi man nakuha ni bunso ang Best Dress award, best dress pa rin naman ito para kay kuya dahil the best ang kaniyang kapatid. â€”Jamil Santos/KG, GMA News