Nahuli-cam ang ginawang pagholdap at pagbaril ng isang lalaki sa tindero ng pares sa Tondo, Maynila.  Ang suspek, nakatakas.

Sa ulat ng GMA News "Saksi" nitong Martes,  makikita sa kuha ng CCTV na pilit na kinukuha ng armadong suspek ang bag sa biktimang si Samson Bautista.

Pero ayaw ibigay ng biktima ang bag na laman umano ang pinaghirapan niyang kita.

Maya-maya lang binaril na siya ng suspek na mabilis tumakas.

Tinamaan ng bala sa leeg ang biktima na kritikal ngayon sa ospital. --FRJ, GMA News