May kakaibang talento sa paghuli ng makamandag na Samar cobra ang batang si Dodong na naging paraan para pagkakitaan niya. Ngunit sa kasamaang-palad, ang hayop na pinagkakakitaan niya, naging kamatayan naman ng kaniyang ama.

Maliban sa naibebenta ni Dodong sa "managgagamot" ang mga kobra na kaniyang nahuhuli, nagagamit din niya sa "palabas" ang pagsasabong ng kobra para kumita.

Bukod daw kasi sa mahusay na manghuli ng kobra ang bata, nakakaligtas daw ang bata sa kamandag nito kahit ilang beses na siyang natuklaw.

Dahil nakita ng ama na puwedeng pagkakitaan ang panghuhuli ng kobra, nagpaturo siya sa kaniyang anak na si Dodong. Ngunit nitong nakaraang linggo lang, nanghuli ng kobra ang ama nang hindi kasama si Dodong at nauwi sa disgrasya ang lahat.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang kuwento ng buhay ni Dodong at kung alamin kung itutuloy pa niya ang panghuhuli ng ahas matapos ang nangyari sa kaniyang ama. Panoorin.
 

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News