(Paalala, may bahagi ng video na maaaring sensitibo para sa mga bata kaya patnubay ng nakatatanda ay kailangan.)

Dati raw magkaibigan ang magkaklaseng Bea at Robin na nag-viral ang video kamakailan na makikita ang matindi nilang sakitan sa labas ng paaralan. Sa video, makikita na sinabunutan, sinipa at iwinasiwas pa ng binatilyo ang dalagita. Bakit nga ito nangyari? Alamin.

Nahanap ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" sina Bea at Robin upang hingan ng kani-kanilang pahayag tungkol sa nangyaring insidente. Maging ang kani-kanilang mga magulang na nadamay din sa kanilang away, nagbigay ng kani-kanilang panig.

May pagkakataon pa kayang magkapataran ang dalawa lalo pa't humingi na ng tawad si Robin? Panoorin ang video.


Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News