Matapos ang "Pinoy Henyo," kinaaaliwan naman ngayon ng mga Pinoy ang bagong game show ng "Eat Bulaga" na ginagamitan ng gut feel na "Bawal Judgmental." Alamin bakit nga ba ito laging trending at patok sa panlasa ng mga Pilipino.

Sa naturang segment, may pitong tao na pagpipilian na may kaniya-kaniyang kuwento sa buhay at kadalasan ay nakabibigla o hindi pangkaraniwang karanasan. Kailangang makilatis nang tama ng manlalaro [na kadalasa'y isang celebrity], kung sino sa kanila ang aangkop sa nakatakdang katanungan.

READ: 2 lalaki, nag-propose sa kani-kanilang nobya sa 'Bawal Judgemental' ng 'Eat Bulaga'

Sa bawat round, posibleng mabawasan ang P50,000 na perang hawak ng manlalaro kung mali ang kaniyang mapipiling tao sa nakatakdang tanong.

Pero bakit nga ba kinaaliwan ito ng mga tao ngayon?

1. Mga paksang "eye opener" - Dahil sa mga ibinabahaging natatanging karanasan ng mga panauhin, mas namumulat pa ang publiko tungkol sa partikular na isyu na kanilang kinahaharap. Bukod dito, natututo rin ang mga tao na maging sensitibo sa pinagdadaanan ng iba.

Balikan ang episode na itinampok ang mga taong may HIV.

Saad ng isang netizen, "HIV is not a disability. Yes, it can kill our immunity but not our humanity" Thank you Eat Bulaga for this segment today, it's such an eye opener to everyone. While watching this earlier, I can't help myself but to cry  "

"The bravest segment in national television. Whoever created this is a genius. This is a very serious matter that needs to be taken seriously and everyone should be educated. So discrimation will stop. Salute Eat Bulaga!

2. Nakaaantig na 'drama' ng tunay na buhay - Hindi mawawala ang iba't ibang nakaaantig at madamdaming kuwento ng tunay na buhay ng mga panauhin, na tiyak nakare-relate ang mga Pilipino.

Sa episode ng Eat Bulaga noong Enero 4, naging emosyonal ang Dabarkads nang walang takot na mag-out ang panauhin na si Dennis sa national TV para mapanood ito ng kaniyang batang anak na nagtatanong kung bakla ba siya. Ginawa raw niya ito para maging proud ang anak dahil sa pagiging totoo niya sa sarili.

3. Kapupulutan ng aral - Dahil itinatampok ang kuwento ng iba't ibang pinagdaraanan ng mga tao, mapapanood din sa Bawal Judgmental ang mga kapupulutang aral base sa kanilang karanasan.

Sa pagbisita ni "Superstar" Nora Aunor, naging panauhin ang mga tao na may asawa na may malubhang sakit. Nakita sa episode ang katatagan ni Vida sa kabila ng pagkakaroon ng asawa niya ng chronic kidney disease at ang kanilang malaking gastusin sa ospital.

Nakita rin sa episode na ito ang kahandaan ng Eat Bulaga na tumulong sa mga nangagailangan.

4. Family oriented - Mapanonood din sa "Bawal Judgmental" ang tema ng pagmamahal sa pamilya.

Bumaha ng luha sa EB studio sa Pebrero 21 episode nang ibahagi ng ilang magulang kung paano nila inaalagaan ang kanilang mga anak na nasa autism spectrum, na nagpaiyak sa Henyo Master na si Joey de Leon.

5. Informative - Sa tulong ng mga eksperto, mas naipaliliwanag pa ang karanasang pinagdaraanan ng mga panauhin, paano sila matutulungan, at kung paano rin makatutulong ang publiko sa kanila.

Panoorin ang pagpapaliwanag ng mga eksperto mula sa Down Syndrome Association of the Philippines, Inc kung ano ang Down syndrome sa episode na ito.

"Again kudos to Eat Bulaga for another well-thought, well-researched, timely and very relevant topic on your Bawal Judgmental segment today. Thank you for opening our eyes to these people with Down Syndrome...thriving and trying to fit in this crazy world yet remaining happy and unaffected," komento ng isang

"While watching this, i literally cried. I was so ashamed of myself because i always complain about my heavy workloads. Thank you for opening my eyes, little angels."

6. Comedy - Hindi rin mawawala ang classic na katatawanan at saya na hatid ng EB Dabarkads.

Balikan ang pag-guest ni Mayor Isko Moreno at ang hindi niya mapigilang tawa dahil kay Wally.

May hatid din itong kilig sa mga manonood.

WATCH: These two pilots serve kilig vibes on Eat Bulaga's 'Bawal Judgmental'

Kaya abot-abot na lamang ang pasasalamat ng netizens hindi lamang dahil sa "isang libo at isang tuwa," kundi pati na rin sa higit pa sa entertainment na hatid ng Eat Bulaga.

"Eat Bulaga just proved that they are more than just a Noontime Show. They are not just for entertainment. They are for people," sabi ng isang nagkomento.

"Entetainment + life lessons = Bawal Judgmental! Congratulations Eat Bulaga! Another segment that is worth watching for! God bless all!" sabi ng isa pa.-- FRJ, GMA News