Isang-buwang-gulang na ang first baby nina Anne Curtis at Erwan Heussaff na si Dahlia Amélie.

Sa kaniyang Instagram account, nag-post si Anne sa unang pagkakataon ng larawan ng kanilang baby.

"Yesterday, we celebrated her 1st month of life. We love you our little Dahlia Amélie. Hoping this brings a smile to your face today," saad ni Anne sa caption ng cute na larawan.

 

 

Sa Australia nagsilang si Anne noong nakaraang Marso 2.

Inulan ng magagandang komento ang naturang post mula sa mga follower ni Anne, at maging sa kaniyang mga kapwa celebrities.

Sa isang post din ni Anne ng kaniyang larawan ng isang taong gulang siya, mapapansin ang pagkakahawig nila ng kanilang baby.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Challenge accepted @markednicdao ???? Me, celebrating my 1st birthday. Circa 1986 ????

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith) on

 


--FRJ, GMA News