Nauuna pa sa kaniyang fur parent ang shih tzu na si Panda kapag nakadinig ng salitang pandesal. Pero mahilig nga ba siya sa tinapay?

Sa video na ipinakita sa GMA News "Unang Balita," kung gaano kabilis sa pagtakbo si Panda nang madinig na bibili sila ng pandesal.

ADVERTISEMENT

Tinalon pa niya na parang sinipa ang pintuan para bumukas.

Ayon sa kaniyang amo, lagi niyang isinasama si Panda kapag bumibili ng almusal na pandesal at nakasakay sa motorsiklo.

Kaya naman tuwang-tuwa ang aso kapag nasa labas at nadidinig na bibili sila ng pandesal.

Panoorin sa video ang iba pang cute doggie na may kakaibang hilig tulad ng isang ginagaya raw ang tilaok ng manok, at mayroon ding mahilig magpa-cute sa kaniyang amo.

--FRJ, GMA News