Halos magkakapareho ang naranasan nina Nicka, Kimberly at Kiela, matapos magpalagay ng eyelash extensions. Sa halip kasi na gumanda, ang kanilang mga mata: namula, namaga, nagmuta, nangati, at posible pang mabulag.

Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," napag-alaman kay Nicka na nagkakahalaga lang ng P100 ang kaniyang eyelash extensions. Murang-mura sa karaniwang serbisyo na umaabot ng P1,500 hanggang P3,000.

ADVERTISEMENT

Ngunit kung nakamura si Nicka sa kaniyang eyelash extensions, gumastos naman siya sa pagpapagamot nang mamaga na ang kaniyang mga mata.

Si Kiela na iba ang gumawa ng kanilang eyelash extensions, nagdulot din ng matinding pamamaga ang mata at nagnana pa.

Kinailangan pa siyang operahan at hiwain ang talukap para maalis ang mga nana sa kaniyang mata.

Pero bakit nga ba may mga eyelash extension na nauuwi sa disgrasya gayung marami din naman ang maganda ang kinalabasan? Alamin ang naging paliwanag ng isang aesthetician sa video ng "KMJS."
 

--FRJ, GMA News