Ang prostate cancer ang isa sa mga pangkaraniwang sakit na pinangangambahan o iniinda ng mga lalaking Pinoy. Anu-ano nga ba ang mga sintomas nito?

Sa programang "Pinoy MD," ipinaliwanag ni Dr. Raul Quillamor na sa mga lalaking edad 50 pataas tumatama ang prostate cancer.

Nag-uumpisa ang cancer na ito sa paglaki ng prostate gland o gland na nakikita sa ilalim ng pantog ng isang lalaki at pinagmumulan ng seminal fluid.

Ilan sa mga sintomas ng cancer sa prostate gland ang problema o hirap sa pag-ihi, o iba na ang pwersa ng paglabas ng ihi.

Maaari ding may dugo sa ihi o seminal fluid.

Kung advanced na ang prostate cancer, maaaring makaranas ang isang lalaki ng bone at joint pains.
Alamin ang iba katunungan tungkol sa kalusugan tulad ng pagkakaroon ng dugo sa ihi ng babae. Panoorin ang video ng "Pinoy MD."
--FRJ, GMA News