Biglang nagiging fresh at instant guwapo sa Tiktok ang isang lalaki sa Tarlac sa tulong ng filter. At kung marami ang humahanga sa kaniya kapag naka-filter, ganun din kaya ang mangyari kapag binigyan siya ng tunay na make-over? Alamin.

Ang lalaki sa video,  nakilala ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" na si Rommel, trabahador siya sa peryahan.

Kung wala sa peryahan, nagbibilad siya ng palay, nagsasaka, o kaya naman ay ume-extra bilang construction worker para kumita nang marangal.

Aminado si Rommel na naba-badtrip siya at nabubuwisit sa kaniyang hitsura na mukhang laging "haggard" kapag wala ang filter.

Pero kapag naka-filter, kahit walang ligo, nagiging instant guwapo siya.

Katunayan, dahil sa filter transformation niya, umaabot na sa milyon ang views ng video niya sa Tiktok.

Pero hindi naman lahat ay humahanga sa kaguwapuhan niya. May mga naiinis din at nakikita niya ito sa pamamagitan ng mga emoji.

Pag-amin ni Rommel, nalalaman niya kung galit o natutuwa ang mga nagko-comment sa kaniya sa pamamagitan ng emojis.

Si Rommel kasi, no read at no write.

Dahil sa kahirapan ng kanilang pamilya, hindi na siya nagkapag-aral at tumulong na sa mga magulang. Ang mga mensahe o nakasulat na komento sa kaniyang mga content video, ipinapabasa niya sa kaniyang kapatid kung nais niyang malaman kung ano ang sinasabi.

Kung may pagkakataon, nais daw ni Rommel na mag-aral.

Gayunpaman, tuloy pa rin si Rommel sa paggawa niya ng content sa Tiktok bilang libangan.

Pero ano nga ba ang histura ni Rommel kung bibigyan siya ng totohanang make-over sa halip na filter?

Maging kamukha pa rin kaya ni Rommel ang histura niya sa filter, o lulutang ang tunay niyang kaguwapuhan? Wait for it, panoorin ang buong kuwento sa video.--FRJ, Integrated News